judicial process
International

Pagpapadeport sa mga illegal immigrants, hindi na idadaan sa judicial process

Nais ni US President  Donald Trump na ang sinumang pumasok sa Estados Unidos sa iligal na pamamaraan ay agad ipadedeport na hindi na idadaan pa sa anumang judicial process.

Ito ang panibagong pahayag ni Trump kaugnay sa mga illegal immigrants na kanyang idinaan sa pamamagitan ng Twitter post.

 Ayon sa kanyang post, kung may papasok na iligal sa Estados Unidos, ay marapat lang na agad silang ibalik kung saan galing na hindi na dadaan pa sa mga hukom o mga korte.

“We cannot allow all of these people to invade our country. When somebody comes in, we must immediately, with no judges or court cases, bring them back from where they came.”

Hindi pahihintulutan ang sinumang gustong pumasok sa US sa hindi ligal na paraan.

“Cannot accept all of the people trying to break into our country. Strong borders, no crime.”

Agad na umani ng negatibong reaksyon mula sa mga legal analysts at immigrant rights advocates ang naturang pahayag ni Trump na nagsasabing labag ito sa US Constitution.

Ang naturang pahayag ni Trump ay nangyari ilang araw matapos nitong bawiin ang inilabas na executive order na naghihiwalay sa illegal immigrants na mga magulang at kanilang mga anak sa US-Mexico Border.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *