paglayag
International

Paglayag ng 2 US warship, hindi nagustuhan ng China

Kinumpirma ng China na merong 2 barkong pandigma ng Estados Unidos ang paglayag kamakailan lang sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay China Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang, pumasok ng walang pahintulot ang dalawang US warship malapit sa Paracel Island sa South China Sea.

Para naman sa US military, regular ang kanilang paglalayag sa bahagi ng South China Sea na bahagi ng kanilang freedom of navigation operations.

Lumabas sa mga report, na ang naglayag na mga barkong pandigma sa loob ng 12 nautical miles ng Paracel Islands ay ang Higgins isang guided-missile destroyer at Antietam, isang guided-missile cruiser.

Sinabi rin ng Chinese authority na agad inabisuhan ng kanilang navy ang naturang mga US warships at pinaalis sa lugar.

Kamakailan lang ay hindi na isinali ng Estados Unidos ang China sa pinakamalaking international maritime exercise sa mundo ang Rim of the Pacific Exercise.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *