aircraft
National

Paglapag ng Chinese military aircraft sa bansa, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ng ilang senador mula sa oposisyon ang paglapag ng Chinese military aircraft sa bansa.

Naghain ng resolusyon sina Senador Leila de Lima, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Sonny Trillanes at Franklin Drilon.

Binanggit ng dito ang mandato ng AFP na protektahan ang mga mamamayan at bansa, alinsunod sa Section 3 1987 Constitution.

Tinukoy din ng opposition senators ang napasong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong 1991.

Ito ay ang hindi pagpayag sa anumang foreign military bases, tropa at pasilidad sa bansa.

Maliban na lang kung ito ay nasa ilalim ng treaty.

“The circumstances of the Chinese military aircraft landing in Davao is giving rise to speculations; that the use of Davao City’s airport facilities is a personal favour granted by the President to China.” 

Kinumpirma ng Malacañang at Department of Foreign Affairs (DFA) ang paglapag ng Chinese aircraft sa Davao City International Airport noong Hunyo para mag-refuel.

 SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *