ekonomiya ng bansa
Business

Paglago ng ekonomiya ng bansa, bumagal

BUMAGAL ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa sa unang bahagi ng taon.

Isa sa ipinunto na dahilan ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia sa pagbagal ng paglago ng Gross Domestic Product (GDP) noong Enero hanggang Marso dahil sa pagka-antala ng pagpasa ng 3.7-trillion national budget.

Sinabi ni Pernia na bumilis sana sa 6.6 percent ang pag-unalad ng bansa kung nakapag-operate na sa 2019 budget sa simula pa lamang ng taon.

Tinukoy nito ang paglago sa 5.6 percent ng GDP sa first quarter ng 2019, mababa kumpara sa 6.3 percent growth noong huling bahagi ng 2018.

Ito na aniya ang pinaka-mabagal na GDP growth, simula noong maitala ang 5.1 percent expansion sa first quarter ng 2015.

Bunsod nito, iginiit ni Pernia na kailangang magdoble sikap pa ang pamahalaan para maabot ang growth target para sa 2019.

Nag-operate ang bansa sa reenactment budget hanggang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang General Appropriations Act noong Abril.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *