Showbiz

Pagkawala ni Xander Ford, umani ng iba’t ibang reaksyon

UMANI ng iba’t ibang reakyon ang pagkawala umano ng social media personality na si
Xander Ford.
Sa Facebook Page, inihayag ng star image artists management, talent company na
humahawak sa career ni Xander, na nawawala ang dating hasht5 dancer.
Sa update ng star image bandang 8:00 kagabi, napag-alaman umano na itinatago si
Xander ng isang nagngangalang “Emz” sa isang pribadong lugar sa Cavite.
Nagbabala naman ang talent company sa sinuman na gustong itago si Xander sa
pamilya nito at sa management na mahaharap ito sa legal implications.
Sa kabila ng pagkawala, ilan pa rin sa mga bashers ni Xander ang hindi pa rin tumigitil
sa panlalait at pambabatikos sa kaniya.
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *