Baron Geisler
Showbiz

Pagkamatay ni Baron Geisler, fake news

Kumalat online ang balitang pagkamatay umano ng actor na si Baron Geisler.

Pero mismong ang actor na ang nagkumpirma na ang viral post ay isang fake news.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Baron na siguro ang dating siya ang namatay na pero mali pa rin sa kabuuan ang naturang balita.

Kasalukuyang sumasailalim sa alcoholism recovery ang aktor batay na rin sa kanyang post sa Facebook.

Ngayong araw naman ay ipinagdiriwang ni Baron ang kanyang 36 na kaarawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *