karpa
International

Pagkamatay ng libo-libong karpa, iniimbestigahan sa Iraq

TONE-toneladang karpa ang biglaang namatay sa Euphrates River ng Iraq.

Nagdulot ito ng takot sa mga residente sa pangambang pati sila ay maaaring malason.

Ayon sa Agriculture Ministry ay hindi pa matukoy ang dahilan ng insidente ngunit kasalukuyang isinasagawa ang water sample tests sa Babylon.

Inaasahan naman ng fish farm owners ang pagtaas ng presyo ng isda dahil sa insidente.

Humingi din sila ng danyos mula sa gobyerno para makabawi.

Ang freshwater carp o Masgouf ay isa sa mga pangunahing pagkain sa Iraq.

Kasalukuyang nakakaranas ng kakulangan at mababang kalidad ng tubig ang naturang bansa.

Dahil sa tumitinding polusyon na hinihinalang may kinalaman sa misteryosong pagkamatay ng mga isda.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *