pagkaing pampalakas
Health

Pagkaing pampalakas ng immune system

Narito ang ilang pagkaing pampalakas at pampatatag ng inyong resistensya.

Simula na ang tag-ulan kaya hindi maiwasan ang pagsisimula ng sakit gaya ng ubo, sipon at lagnat.

Dahil bukod sa ehersisyo at walong oras na pagtulog, maaari ring magresulta sa mas matatag na resistensya ang ating mga kinakain.

Mga pagkaing pampalakas

Una, dagdagan ang pagkain ng bawang. Hindi lamang simpleng pampalasa ang hatid ng bawang,may  taglay rin itong antibacterial at antiviral properties  na mainam para labanan ang tyansa ng sipon, ubo at lagnat. At ‘di lamang yan dahil may taglay din itong anti-cancer properties.

Ayon sa ilang pag-aaral, pinaka-epektibo ang pagkain ng “fresh garlic,” pero dahil matapang ang lasa nito, pinapayuhan na durugin ito at saka ihalo sa nalutong ulam.

Pangalawa, pagkain ng matataas sa protina at zinc, gaya ng salmon, herring, tuna, sardinas, anchovies at scallops.

Nakakatulong ang protina para magkarooon ng sapat na energy sa maghapon samantalang ang zinc naman ay nakakatulong para magkaroon ng natural na depensa ang katawan laban sa mga sakit.

Pangatlo, ang  probiotics o good bacteria.  Bukod sa mainam  ito sa digestion, nakakatulong din ito para masulit ang nutrient-absorption mula sa ating mga kinain. Ang pagkakaroon ng good bacteria ay mainam para mabalanse ang lebel ng bad bacteria sa ating sistema.

Panglima, ang herbal supplements. Imbes na magkape o mag softdrinks, subukan ang pag-inom ng tsaa. Ang katas mula sa echinacea, ginseng, astragalus, mushrooms gaya ng shiitake, reishi, maitake at ashwagandha. Subukan din ang green at black tea na karaniwang nabibili sa grocery o supermarket.

At pang huli, araw-arawin ang pagkain ng citrus fruits o hindi kaya ay uminom ng vitamin c supplement araw-araw. Hindi lamang ‘yan dahil ang mataas na reserba ng vitamin c sa ating katawan ay nagpapatatag din ng ating ngipin at buto.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *