non-lawyer
National

Pagiging non-lawyer ni Sotto, kinuwestiyon bilang pangulo ng senado

Nagpipigil na sinagot ni Senate President Tito Sotto III ang mga paratang sa kanya na hindi ito karapat-dapat sa posisyon dahil sa pagiging non-lawyer nito.

Kung matatandaan halos lahat ng humawak sa senate presidency ay mga abogado.

Ayon kay Sotto aminado naman siya na hindi nagtapos ng abogasya pero aniya hindi dapat na maging basehan sa kaniyang pamumuno bilang pangulo ng senado.

Nabatid na madami ang tumaas ang kilay sa pagkakaluklok ni Sotto sa posisyon dahil sa kapasidad nitong panghawakan ang pagiging pangulo ng mataas na kapulungan ng kongreso.

Sa katunayan, maging ang nagbitiw na si Senator Koko Pimentel III ay tiwala sa kakayanan ni Sotto dahil na rin sa tagal ng karanasan nito sa paninilbihan bilang mambabatas sa senado.

Ulat ni : Pol Montibon

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *