Kinuwestiyon
National

Paggastos ng 2018 budget, kinuwestyon ni Sen. Escudero

Kinuwestiyon ni Senador Francis Chiz Escudero ang mga economic managers ng administrasyon kung nagastos ba ng tama at napunta ba sa pangangailangan ang 2018 national budget.

Ito ang masusing pagtatanong ni Chiz sa isinagawang pagdinig ng senado sa panukalang 3.757 trilyong pisong national budget para sa taong 2019 ng Development Budget Coordination Committee.

Una nang ipinagmalaki ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na kumpara sa nakaraang administrasyon ay malaki ang naibaba sa underspending ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi pa ni Diokno noong 2014 hanggang 2015 umabot 631 bilyong piso ang underspending.

Ito ang naging dahilan ng pagkadelay ng mga proyekto at serbisyo kumpara ngayong taon na kaliwa’t kanan ang mga serbisyo at infrastructure project .

Dahilan upang kwestiyunin ito ni Escudero kung talaga bang nagagamit ng maayos ang pondo at napupunta ba sa tamang paggastos o tamang proyekto.

Inihalimbawa ni Escudero ang mga classroom project ng DepEd na may malaking pondo ngunit hindi pa rin natatapos ang mga proyekto.

Mungkahi ni Escudero kung sobrang laki ng pondo sa classroom project bakit hindi na lamang ito ilaan sa ibang proyekto.

Tulad ng pagbili ng spare parts ng MRT na higit na kailangan ng mga commuters.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *