Paggamit
National

Paggamit ng paputok sa buong bansa, tuluyan nang ipagbabawal

SMNI News

TULUYAN nang ipagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit paputok sa buong bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte na magpapalabas siya ng executive order para sa total ban ng lahat ng klase ng mga paputok.

Ayon sa pangulo, hindi niya na papayagang na madagdagan pa ang mga nabibiktima nito.

Kasabay nito, pinawi rin ni Pangulong Duterte ang paniniwala ng mga Filipino na maitataboy ng mga paputok ang masamang espiritu.

Una nang naglabas si Duterte ng Executive Order 28 na naglilimita sa paggamit ng mga paputok at pyrotechnic devices.

At pagtatakda lamang ng mga community fireworks display.

Oktubre rin nang nakaraang taon nang ipag-utos nito ang pagsuspinde sa pagproseso ng mga lisensiya at permit.

Kaugnay sa paggawa, pagbebenta ng mga paputok at pyrotechnic devices.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *