single-use plastic
Uncategorized

Paggamit ng single use-plastic sa bansa, nais na ipagbawal ni Rep. Biazon

Inihain ni Muntinlupa Lone District Rep. Ruffy Biazon ang panukala na ipagbawal na ang paggamit ng single-use plastic sa buong bansa.

Layon ng House Bill 7903 na mabawasan ang plastic waste sa mga karagatan na siyang nakakasira sa mga coral reefs, marine environment at ang epekto nito sa climate change.

Kabilang sa mga single-use plastics na tinukoy sa panukala ay ang plastic cups/lids, plastic straws, shrink wrap at packaging products na kalimitan ay itinatapon pagkatapos ng isang gamitan.

Kabilang sa mga single-use plastics na tinukoy sa panukala ay ang plastic cups/lids, plastic straws, shrink wrap at packaging products na kalimitan ay itinatapon pagkatapos ng isang gamitan.

Sakop din ng panukala ang paglikha ng “6-Month Phase Out Plan”.

Habang eepekto naman ang total ban, 3 taon matapos itong maipasa.

Saklaw ng “6-Month Phase-Out Plan” ay ang mga sumusunod:
  • consumption reduction program
  • extended producer responsibility schemes
  • biodegradable alternatives for single-use plastic products
  • fiscal and non-fiscal rewards and incentives
  • separate collection plan
  • awareness-raising measures and information campaign.

Kaugnay nito, nanawagan si Biazon sa kanyang mga kapwa mambabatas na kinakailangan na ng bansa ang ganitong batas dahil sa masamang epekto ng plastic lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *