Metro

Paggamit ng package bomb sa Quiapo blast ikinabahala


Nababahala si Professor Rommel Banlaoi, isang security analyst, sa nangyaring pagsabog sa Quiapo nitong weekend.
Paliwanag ni Banlaoi, hindi pangkaraniwang bomba ang ginamit sa pagpapasabog.
Package bomb ang ginamit sa Quiapo blast na ayon kay Banlaoi ay karaniwang ginagamit ng mga teroristang grupo para sa ‘politically motivated purposes.’
Sinabi ni Banlaoi na maaga pa para sabihin na walang kaugnayan sa terorismo ang nangyaring pagpapasabog.
Gayunman, nirerespeto ni Banlaoi ang pananaw ng Pambansang Pulisya na gang war ang dahilan ng pagsabog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *