Revilla
National

Pagdinig sa kaso ni ex-Senator Revilla, hiniling na isagawa sa QC

HIHILINGIN na isagawa ang graft trial kay dating Senador Bong Revilla at mga kapwa nito akusado sa Quezon City Courtroom.

Sa halip na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ito ay hihilingin ng Sandiganbayan sa Korte Suprema.

Nakasaad kasi sa Rules of Court na ang paglilitis ay dapat isagawa sa NBP.

Kasunod ng pag-convict sa dating staff ni Revilla na si Richard Cambe at umano’y pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles.

Ayon ito kay First Division Chairperson Associate Justice Efren Dela Cruz.

Si Cambe ay kasalukuyang nakadetine sa NBP habang si Napoles ay inilipat sa Correctional Institution for Women matapos hatulang guilty sa kasong plunder.

Binigyan-diin ng Korte na mahihirapan sila na isagawa ang pagdinig sa Muntinlupa.

Ito ay dahil sa dami ng bilang ng akusadong indibidwal sa kaso kasama ang kanilang mga abogado.

Ipinagpaliban ang unang araw ng paglilitis sa kasong graft ng mga akusado ngayong 2019 dahil sa hindi pagdalo nina Cambe at Napoles.

Muling itinakda ang pagdinig sa Enero 24 kung saan inaasahang ipagpapatuloy ang salaysay ng whistle-blower na si Benhur Luy.

Matatandaang inabswelto si Revilla sa kasong plunder.

Pero nahaharap pa rin ito sa labing anim na bilang ng kasong graft kaugnay pa rin sa PDAF scam.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *