Metro

Pagdinig ng senado sa nasabat na ₱6.4B halaga ng shabu sa Valenzuela

Pasado alas-10 ng umaga ng magsimula ang pagdinig ng senado kaugnay sa mahigit 6 na bilyong pisong shabu na nasabat sa Valenzuela noong buwan ng Marso.
Pinangunahan ni Sen. Richard Gordon ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig na dinaluhan ng mga kasamahang senador na sina Sen. Panfilo Lacson, Franklin Drilon, Tito Sotto.
Narito rin sa pagdinig si Bureau Of Customs Chief Nicanor Faeldon at personalidad na sangkot sa pagpasok ng mga nasabat na shabu sa Customs.
Ayon kay Sen. Richard Gordon na nais nilang malaman sa pagdinig kung paano nakapasok ang nagkakahalagang mahigit 6 na bilyong pisong shabu at paano ang nagiging sistema sa BOC bakit nakapapasok ang mga ganitong shipment lalo pa at first time importer ang EMT Trading sa bansa.
Sa pagtatanong si Sen. Panfilo Lacson, na bakit nakalusot sa Green X-ray ng custom ang EMT Trading gayong first time importer ito ng Pilipinas.
Ngunit ang sabi ni BOC Chief Faeldon na mali ang pagkakalagay ng Head ng Risk Management Office na si Larribert Hilario na data sa EMT Trading na dapat ay nakalagay ay ‘New Importer’ at otomatikong magiging red ang x-ray ng Customs at hindi green.
Ipatatawag naman sa susunod na pagdinig si Hilario na sinasabing susi kung bakit nakapasok ang shipment na mahigit 6 na libong bilyong pisong shabu.
Sinasabing si Richard Chen ang mayari ng mga ansabat na shabu  sa Valenzuela City.
Sinasabi ring ang EMT Trading ay mayroong 13 importation kasama na ang drug shipment mula sa Xiamen Dazu Import-Export Company.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *