National

Pagdinig ng Senado sa Anti-Political Dynasty Bill, matamlay 

Naging matamlay ang pagdinig ng Senado kaugnay sa Political Dynasty Bill.

Ito ay malinaw sa mababang bilang ng partisipasyon ng mga Senador at resource speaker sa pagdinig na pinangunahan ng Committee on Electoral Reform and People’s Particpation at ng Committee on Constitutional Ammendments.

Sa umpisa ay tanging sina Senador Kiko Pangilinan at Franklin Drilon lamang ang mambabatas na dumalo sa pagdinig.

Sa panig naman ng resource person ay tatatlo lamang ang dumalo.

Ito ay sina  na sina Dr. Ronald Mendoza ng Ateneo School of Government, Dr. Amado Mendoza ng University of the Philippines at Dr. Ramon Albert ng Philippine Institute of Development Studies.

Sa kabila ng mababang bilang ng partisipasyon ay naniniwala naman si Senador Pangilinan, chairman ng committee on constitutional ammendments na maipapasa ang Anti-Political Dynasty Bill sa Senado.

Sa isang interview ay sinabi ni Pangilinan, na mas bukas aniya ang mga Senador kaugnay sa nasabing panukala.

Matatandaan na ang anti-political dynasty ang isa sa mga maiinit na isyu na tinalakay sa Senado kaugnay sa pagsusulong ng Charter Change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *