National

Pagdinig ng Sandiganbayan laban sa mga opisyal na sangkot sa Mamasapano encounter, ipinagpaliban

Pinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at dating PNP-SAF Dir. Getulio Napeñas kaugnay ng madugong Mamasapano encounter.

Kasunod ito ng pagpapalabas ng temporary restraining order ng Korte Suprema kaugnay sa kahilingan ng ilang pamilya ng nasawing SAF troopers na baliktarin ang naunang desisyon ng Ombudsman na ipawalang-sala ang mga naturang opisyal na mas mabigat na kaso.

Kung matatandaan, dinismiss ng Ombudsman ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban kina Aquino, Purisima at Napeñas at pinatawan ito ng mas mababang kaso na graft at usurpation of authority.

Tatlong taon naman na ang nakalilipas ng maganap ang madugong Mamasapano encounter habang nagsasagawa ng operasyon laban sa international terrorist na sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *