Villar
National

Pagdeklara sa 94 na lugar bilang “protected areas”, ikinatuwa ni Sen. Villar

PINURI ni Sen. Cynthia Villar ang paglagda sa batas na naglalagay sa ilalim ng proteksyon ng pamahalaan sa 94 pang lugar na kinabibilangan ng mga sikat na destinasyon ng mga turista pati na rin ang internationally-recognized critical zones.

Si Villar, chairperson ng Committee on Environment and Natural Resources, ang principal sponsor ng Republic Act 11038 o ang batas na nagpapalawig sa National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong June 22, 2018.

“We are very happy to come up with this legislation ensuring protection for more areas in our megadiverse country.

This legislation is timely, given the heightened public clamor to protect and rehabilitate our popular tourist spots,” ani Villar.

National Parks, tourist spots at internationally recognized areas, nasa pangangalaga ng pamahalaan

Sinabi ni Villar na kabilang sa 94 bagong lugar na isinailalim sa pangangalaga ng pamahalaan ang tatlong Ramsar Sites:

  • Las Pinas-Paranaque Wetland Park
  • Agusan Marsh (Agusan del Sur)
  • Olango Island (Cebu)

Nasa pangangalaga na rin ng pamahalaan ngayon ang national parks na sikat na tourist spots sa bansa. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Siargao Island sa Surigao del Norte
  • Chocolate Hills at Panglao Island sa Bohol
  • Apo Island sa Negros Oriental
  • Mayon sa Albay
  • Taal Volcano sa Batangas
  • Hinulugang Tak-tak sa Rizal
  • Palaui Island sa Cagayan

Kasama sa protected areas ang internationally-recognized areas. Ang mga ito ay ang:

  • ASEAN Heritage Sites Mount Timpoong-Hibok-Hibok (Camiguin)
  • Mount Iglit-Baco (Mindoro)
  • Turtle Islands Wildlife Sanctuary (Tawi-Tawi)
“The Philippines’ rich biodiversity is a source of pride and joy for all of us Filipinos.

We actively protect and strongly defend the breadth and depth of our territories to ensure that the future generation of Filipinos will still have the opportunity to take pride and find joy in our country’s rich biodiversity,” sabi pa ni Villar.

Sa ilalim ng batas na nag-amiyenda sa Republic Act 7586, nadagdagan ang bilang ng protected areas na sakop ng bagong batas— mula 13, ito ay naging 107 na sumasakop sa may kabuuang 3 million hectares.

Sa ilalim ng nilagdaang batas, kinikilala rin ang conservation areas at ang management regimes ng local government units, communities indigenous peoples at iba pang stakeholders sa pagtatayo at pangangasiwa ng protected areas.

“Institutional mechanisms are established for the mobilization of resources and for adequate scientific and technical support for the conservation of biodiversity and integrity of the ecosystem,”
dagdag pa ni Villar.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *