National

Pagbuo ng sariling command force sa Bangsamoro Region, hindi na kailangan

Iginiit ng Department of National Defense (DND) na hindi na kailangan ang pagbuo ng sariling command unit sa ilalim ng Bangsamoro Region.

Ito ang binigyang linaw ni Defense Undersecretary Ricardo David, Jr., sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Kamara sa pagbuo ng Bangsamoro Region.

Ayon kay David, sapat na ang pwersa ng pamahalaan sa Mindanao para panatilihin ang seguridad ang kapayapaan sa bubuoing rehiyon.

Base sa draft ng BBL, target dito na makabuo ng sariling Bangsamoro Regional Command.

Dagdag pa ni David na magdudulot lamang ng kaguluhan sa command structure ng AFP ang pagbuo ng sariling command force sa BBL.

Ganito rin ang naging sentimyento ni AFP Peace and Development Office Assistant Chief Col.Rocky Binag.

Suportado naman ng DND at AFP ang pagsusulong ng Bangsamoro Region sa Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *