National

Pagbuo ng mas maraming MSMEs, isinulong ni Sen. Villar

DAHIL ang Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) ang bumubuo sa mahigit 99 porsiyento  ng mga negosyo sa bansa, isinusulong ngayon ni Sen. Cynthia Villar ang pagbuo ng mas maraming MSMEs.
Binigyan diin din niya na one-third Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ay mula sa MSMEs.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Villar, Chairwoman ng Senate Agriculture And Food Committee, na 50 porsiyento ng MSMEs ay nasa food and beverage businesses.
Dahil dito, kailangan aniyang  pag-ibayuhin ang technical expertise, financial literacy, access sa credit at pabilisin ang mechanization drive sa sektor ng agrikultura.
Iginiit nito na ang agri-business ay isa sa long-term solutions sa lumalagong sektor na tumutulong sa mga magsasaka at mangingisdang Pilipino.
 
( Ulat ni Jannette Africano )

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *