Cesar Montano
National

Pagbitiw ni Cesar Montano, hindi garantiya para takasan ang batas

Hindi pa rin lusot sa pananagutan sa batas ang nagbitiw ng Tourism Promotions Board (TPB) Chief Operating Officer Cesar Montano.

Ito ang pagtitiyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing sa Malakanyang.

 “As I said the Ombudsman should look into it, because as I said the Ombudsman has a constitutional mandate to conduct prelimary investigation to determine if they violate the Anti-Graft Law.” – Sec. Harry roque, Presidential Spokesperson

Una nang kinumpirma ng Malakanyang nitong Lunes ng gabi na tinanggap ni Pangulong Duterte ang resignation ni Cesar Montano sa Tourism Promotions Board.

Ito ay sa kabila ng hinaharap nitong kontrobersiya kaugnay sa pag-kuwestiyon ng Commission on Audit (COA) sa na ibinayad ng TPB na P80-M para sa proyektong “Buhay Carinderia Program” kahit hindi pa natatapos ang proyekto.

Magugunitang hiniling ni Tourism Secretary Bernadette Puyat ang resignation ng lahat ng undersecretaries at assistant secretaries sa ilalim ng DOT upang makapagsimula ito ng clean slate sa ahensiya.

Ulat ni : Hanna Jane Sancho 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *