pagbibigay
National

Pagbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino, ipinanawagan

Para kay Ronnie, graduating student sa kursong Marketing Management, ang pagbibigay sa trabaho sa mga Pilipino ang dapat unahin ng administrasyon sa halip na tutukan ang iba pang panukala.

Maraming Pilipino ngayon ang mas nangangailangan ng trabaho bunsod ng krisis sa bansa.

Para sa jobquest.ph, ang trabaho para sa mga Pilipino ang isa sa mga dapat na prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.

Sa panig naman ng mga kompanya at recruitment agencies, ang pagkakaroon ng trabaho ang pinaka-kailangan ng mga Pilipino sa ngayon.

Nauna namang naipangako ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ngayong linggo na karagdagang tatlondaang libong (300, 000) trabaho ang ibibigay ng gobyerno ngayong taon.

Samantala, daan-daang mga jobseekers ang nabigyan ng trabaho sa 2-day jobs fair.

Ang SMNI at DZAR ay ang official media partner ng Jobquest Jobfair.

Ulat Ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *