new graduates
National

Pagbibigay benepisyo sa mga new graduates, isinusulong

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagpasa ng isang panukalang batas na mabenepisyuhan ang mga new graduates, partikular na sa paghahanap ng trabaho.

Sa ilalim ng Senate Bill 1629 ay gagawin ng libre sa mga fresh graduates at first time job seekers ang lahat ng bayarin para sa mga government fees at charges para sa mga dokumentong kinakailangan upang makakuha ng trabaho.

Kabilang dito ang police clearance certificate, NBI clearance, barangay clearance, medical certificate mula sa  public hospitals, birth and marriage certificate, tax identification number, unified multi-purpose id card, at iba pang mga dokumento na maaaring hingin ng mga employer.

Kabilang naman sa makatatanggap ng benepisyo ang mga bagong graduates ng K-12 program, bachelor’s degree, at kahit anong technical vocational course.

Dagdag pa ni Angara, na bukod sa pagbibigay ng libreng pag-aaral sa kolehiyo ay dapat na gawing libre ang paghahanap ng trabaho na magbibigay daan upang umangat ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *