pagbawas
National

Pagbawas ng higit P50-B sa 2019 fund ng DepEd, malaking hamon

AMINADO ang Department of Education (DepEd) na  malaking pagsubok para sa ahensya ang pagbawas ng higit 50 bilyong piso.

Ang naturang halaga ay ibabawas mula sa kanilang pondo para sa susunod na taon.

Base sa Department of Budget and Management (DBM), mula sa mahigit P580.6B na pondo ng DepEd ngayong 2018, bumaba ito sa  P528.78B.

Inaprubahan naman ng Kongreso ang nasabing budget ng ahensya para sa 2019.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, mahihirapan silang ipatupad ang kanilang mga proyekto.

Lalo pa’t nakabase na sa cash-based budgeting system ang pondo sa susunod na taon.

Gayunpaman, sinabi ni Briones na makikiisa pa rin sila pamahalaan anuman ang kalalabasan ng Budget System sa 2019

Dagdag pa ng kalihim, magsasagawa na rin sila ng early procurement para sa mga proyektong nais nilang ipatupad sa susunod na taon para walang panahon na masayang.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *