pagbabanta
International

Pagbabanta ng Turkey, hindi hadlang sa pagbawi ng U.S. troops sa Syria

HINDI natinag ang Amerika sa kabila ng pagbabanta ni Turkish Pres. Recep Tayyip Erdogan.

Na aatakehin ang mga kaalyadong Kurdish ng U.S. sa oras na umalis ito sa Syria.

Ang nasabing Kurdish militia ay kaalyado ng Amerika upang labanan ang ISIS sa Syria.

Subalit itinuturing itong terorista at banta ng Turkey sa kanilang bansa.

Tiniyak ni U.S. Secretary of State Mike Pompeo ang kaligtasan ng mga Kurds sakaling matuloy ang pag-alis ng U.S. troops sa nasabing bansa.

Sa kanyang Middle East tour ay kinausap at nagpaliwanag si Pompeo sa mga kaalyadong bansa.

Hinggil sa desisyon ni Trump na bawiin ang U.S. Troops sa Syria.

Ilan sa mga bansa sa Middle East na binisita ni Pompeo ay ang Iraq, Kurdish Region, Jordan, Egypt.

Maging ang Bahrain, Qatar, United Arab Emirates, Saudi Arabia, Kuwait at Oman.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *