Duterte
National

Pagbaba sa pwesto ni Pangulong Duterte, ikinabahala ng ilang senador

Ikinabahala ng ilang senador ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa kanyang pwesto dulot ng kapaguran nito sa pamamahala sa bansa.

Nauna nang nagbigay ng pahayag ang pangulo sa posibleng pagbaba nito sa pwesto.

Ito ay dahil sa aniya ay malalang sitwasyon ng katiwalian na maging ang maliliit na departmento sa gobyerno ay apektado na rin.

Galit si Senador Manny Pacquiao sa mga kontrobersiya na may kinalaman sa iligal na droga na siyang pangunahing problemang kinakaharap ng pangulo.

Ayon kay Pacquiao, maging siya ay napapagod din sa mga katiwaliang nagaganap sa bansa partikular na ang iligal na droga.

Kaya naman nagbabala sa siya sa mga drugs smugglers na pumapasok sa bansa.

Matatandaang isa ang senador sa mga nagtutulak na maisulong ang death penalty sa bansa laban sa mga drug pushers at suppliers pero naiba ang tono nito sa pakikisimpatiya nito sa nararamdaman ni Pangulong Duterte.

Samantala, hindi naniniwala ang liderato ng senado na gagawin ni Pangulong Duterte ang magbitiw sa pwesto.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, nauunawaan nito ang pinagdaanan ng pangulo dahil sa bigat ng responsabilidad nito bilang lider ng bansa pero batid ng senador na hindi ugali ni Duterte ang sumuko.

Pinabulaanan ni Sotto ang usap-usapang pagbaba sa pwesto ng pangulo kung matitiyak nitong ang papalit sa kanya ay ang mga kaalyado nitong politiko gaya ni Senador Chiz Escudero at dating Senador Bongbong Marcos.

Pol Montibon 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *