National

Pagbaba ng net worth ni Robredo dahil sa poll protest


Ipinaliwanag ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pagbaba ng net worth nito.
Sa statement ng abugado ni Robredo na si Attorney Barry Gutierrez, sinabi niyang bumaba ang net worth ni Robredo dahil sa mga gastos na may kaugnayan sa election protest na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos.
Bukod pa rito ang mga personal at pampamilyang gastos ni Robredo.
Nasa higit dalawang milyong piso ang ibinaba sa net worth ni Robredo sa unang anim na buwan nito sa puwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *