Bb. Joyce Bernal
National

Pag-direk sa SONA, libre lang ayon kay Bb. Joyce Bernal

Hindi maniningil ng talent fee si Bb. Joyce Bernal para sa kanyang pagdidirek ng State of the Nation Address (SONA) sa susunod na linggo.

Ito ang inilahad ng pamosong direktor sa Tatak Pagbabago pre-SONA Forum sa PICC.

Ayon sa director, ang pagdidirek sa SONA ay gagawin niyang libre bilang alay sa mga mamamayang Pilipino.

“Wala naman po, di po kailangan ng kontrata, unless kailangan ng gobyerno.
Pwede naman po pumirma pero, I don’t think kailangan ko.
Gagawin ko naman siya. Para sa bayan po talaga to. For free po.
Tinawag po ako bilang mamamayan, so ok po.
At saka president natin siya e, and para din po sa mga tao ito, sa mga kababayan natin, para sa kapwa ko Pinoy, para sa mundo na gusto nilang malaman kung  napano tayo.
So para sa maraming tao ito.
Kailangan pa bang magpabayad? ‘Di ako magpapabayad.”  – Direk Joyce Bernal

Sa katunayan aniya ay wala siyang pinirmahang anumang kontrata kaugnay sa SONA.

Kaugnay nito ay tuloy-tuloy na rin aniya ang ginagawang preparasyon sa SONA.

Kahapon lamang ay nagkaroon na sila ng camera rehearsal gamit ang film cameras.

Sinabi din ni  Bernal na gagawin nitong makulay ang plenary ng Kamara gamit ang tema ng Philippine flag.

Samantala, sa parehong event ay sinabi naman ni Communications Secretary Martin Andanar na plantsado na ang lahat ng paghahanda para sa SONA.

Tanging inaayos na lamang nila ngayon ay ang makapg-rehearsal ang pangulo kasama si Direk Bernal.

“Yung ating ini-negotiate na lang ay makasama si Direk Joyce sa rehearsal para makapagbigay din siya ng briefing kay President.” Sec. Martin Andanar, PCOO

Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *