National

PAF tiniyak na ‘air worthy’ ang kanilang mga UH-1D helicopters

Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) na ‘air worthy’ ang lahat ng kanilang UH-1D choppers na dumaan sa masusing inspection at talagang nailipad na.
Ito ang paliwanag ni Air Force Spokesperson Col. Antonio Francisco matapos bumagsak ang isang UH-1D sa Tanay, Rizal noong Huwebes na ikinasawi ng tatlo katao samantalang isa ang sugatan.
Sinabi ni Francisco na bago pa man ilipad ang mga eroplano at helicopters ay dumadaan ang mga ito sa 360 degrees na inspection upang matiyak na ‘air worthy’ ang kanilang mga aircraft.
Siniguro rin ng PAF na ‘well trained’ ang lahat ng kanilang mga piloto.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PAF kaugnay ng bumagsak na chopper.
Tiniyak din ng PAF na makatatanggap ng financial na tulong ang pamilya ng mga nasawi bukod pa sa kanilang mga benepisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *