pabuya
National

₱500,000 pabuya, inilabas ng DOJ para sa ikaaaresto ni Peter Lim

NAGLABAS ng pabuya ang pamahalaan para sa ikadarakip ng puganteng negosyante na si Peter Go-Lim.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, magbibigay ng ₱500,000 ang pamahalaan sa magtuturo at magbibigay ng impormasyon sa pinagtataguan ni Lim.

Magugunitang nagpalabas ng arrest warrant laban kay Lim ang Makati City Branch 65.

Nangyari ito sa sala ni Acting Presiding Judge Gina Bibat-Palamos kaugnay sa kaso nito na may kinalaman sa iligal na droga.

Kinasuhan ng DOJ si Lim ng two counts ng non-bailable offense.

Kaugnay ito sa conspiracy to commit illegal drug trade in violation of section 26(B) in relation to Section 5.

Kinasuhan din si Lim sa Article II of Republic Act 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Lim.

Kasamang nakasuhan ang kapwa-akusado nitong si Ruel Malindangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *