KANSELADO
National

Paaralan sa ilang lugar sa Metro Manila at Luzon, suspendido simula bukas

KANSELADO na ang pasok sa eskwela sa ilang lugar sa bansa bukas at sa Sabado Sept.14 at 15 dahil sa banta ng Bagyong Ompong.

Sa Metro Manila, kabilang sa mga nagkansela ng pasok sa lahat ng antas ang Muntinlupa, Pasig City, Quezon City, Navotas at Parañaque.

Sa mga probinsya naman ang lalawigan ng Abra, Apayao, Ilocos Norte, Cagayan, Camarines Sur.

Kabilang din ang Zambales, Isabela, Nueva Viscaya, Aurora, at Nueva Ecija.

Wala ring pasok bukas sa lahat ng antas sa Arayat at Sta. Rita sa Pampanga.

San Fernando, La Union, at Sariaya, Quezon.

Inaasahan naman na posible pang madagdagan ang mga lugar na magkakansela ng pasok dahil sa Bagyong Ompong.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *