nasabat
Metro

P28.92-M halaga ng kontrabando, nasabat ng BOC

Nagkakahalaga ng 28.92 milyong piso ang nasabat na smuggled goods ng Bureau of Customs (BOC) sa dalawang major seaports sa Maynila.

Sinabi ni Commissioner Isidro Lapeña na ang tatlong shipment na nahulihan ng misdeclared goods ay ang sumusunod:

  • I-Genex Cargo Forwarder
  • 188 Fortune Merchandising
  • Hepomlan Trading

Kontrabando mula Korea at China

Nagmula sa Korea at China ang mga kargamento na dumating sa Manila International Container Port (MICP).

Nabatid na idineklara ng I-Genex ang laman ng kargamento na personal effects at household goods.

Pero sa pagsusuri lumabas na naglalaman ito ng used personal items na nakahalo sa mga kahon na laman ay beauty products at walang permit mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Idineklara naman ng 188 Fortune Merchandising at ng Hepomlan Trading ang kanilang kargamento na kitchen wares, bolts at screws.

Pero naglalaman pala ito ng cctv,  beams,  speakers, cookware,  textiles,  rubber pads,  pagkain na walang FDA permit at g-shock watch.

Samantala,  mag-iisyu naman si District Collector lawyer Vener Baquiran ng Warrant of Seizure and Detention habang mare-revoke naman ang akreditasyon ng nga importer.

Muli namang iginiit ni Lapeña na maigting ang kanilang kampanya laban sa smuggling at pekeng mga produkto at kontrabando.

Cresilyn Catarong

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *