National

 P2-M pabuya ni Pangulong Duterte sa bawat pulis na sangkot sa Ozamiz killings

Muling iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na gawin lamang ang kanilang mga trabaho na walang pag-abuso at sila ay kanyang poprotektahan.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa 116TH anniversary ng Philippine National Police sa Kampo Crame.
Kasabay nito, inanunsyo din ni Pangulong Duterte ang kanyang alok na pabuyang P2 milyon sa bawat pulis na sangkot sa mga pagpatay sa Ozamiz City.
Ayon kay Pangulong Duterte, gusto niya “dead or alive” ang mga nasabing pulis na ginamit umano ng mga Parojinog pero mas nanaisin pa umano niyang sila’y patay.
Kasabay nito, muling tiniyak ni Pangulong Duterte ang kanyang proteksyon kina Police Supt. Marvin Marcos at Chief Insp. Jovie Espenido na sumusunod umano sa kanyang utos laban sa iligal na droga.
 
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *