National

P1k budget ng CHR, inaprubahan sa Kamara

 Inaprubahan ng House of Representatives ang isang libong pisong budget ng Commission on Human Rights (CHR) sa taong 2018 kasunod ng mga pagbatikos nito sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga.
Lumabas ang desis­yon makaraang 119 na kongresista ang bumoto para kaltasan ang budget ng CHr habang 32 mambabatas ang tumutol.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, nararapat lang ang halaga dahil pumalya ang CHR sa tungkulin nitong panga­lagaan ang mga karapatang pantao ng lahat ng mga Pilipino.
Sinabi pa niya na wa­lang silbi ang CHR na interesado lang sa pa­nga­ngalaga sa mga karapatan ng mga kriminal.
Iminungkahi pa niya na hingin ng komis­yon ang budget nito sa mga kriminal at hindi sa pamahalaan.
Ang CHR na isang constitutional body ay merong fiscal autonomy at hindi maaaring tanggalan ng pondo o bigyan ng pisong budget lamang na isang paraan ng ilang mga mambabatas na parusahan ang ilang ahensiya ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *