Regional

P11-M shabu na itinago sa buko nasabat sa DCDJ

Tinatayang labing-isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nadiskubre sa loob ng buko na ipinadala sa loob ng Dumaguete City District Jail (DCDJ) sa Negros Oriental.
Ayon kay Chief Inspector Prizel Arevalo, dinala ng dalawa katao ang nasa tatlumpung buko para sa presong si Joram Catan na nahaharap sa kaso kaugnay ng iligal na droga.
Napansin umano ng jail guards na anim sa mga buko ang kakaiba at wala nang lamang coconut water at nang buksan ay roon na tumambad ang apat na malalaking pakete ng shabu.
Itinanggi naman umano ni Catan na may alam siya tungkol sa mga droga na ipadadala sana sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *