National

P1.1-M reward vs top drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido


Dinagdagan pa ng limampung libong piso ang reward money para sa makapagtuturo sa itinuturing na top drug personality sa Western Visayas na si Richard Prevendido.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) Region-6 Director Chief Supt. Jose Gentiles, umaabot na sa kabuuang 1.1 milyong piso ang patong ngayon sa ulo ni Prevendido.
Si Prevendido ang lider ng Prevendido Drug Group.
Apela ni Gentiles sa publiko, na tumulong sa paghuli kay Prevendido.
Aminado si Gentiles na hirap sila sa pagtugis kay Prevendido dahil binago umano nito ang mukha nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *