youth
National

Out of school youth, prayoridad sa summer job

Iginiit ni Senador Sonny Angara na bigyang prayoridad ang mga out of school youth na makapasok sa summer job program ng pamahalaan.

Ito ang nakasaad sa Republic Act 10917 o ang batas na nag-amyenda sa Special Program for the Employment of Students (SPES), na inisponsor ni Angara.

Sa ilalim ng nasabing batas, inatasan ang mga establisimyento at ang mga ahensya ng gobyerno ang pag-empleyo sa mga out of school youth at mga estudyante ng kolehiyo at technical at vocational sa mga panahong nakabakasyon ang mga ito tulad ng summer at christmas vacations.

Habang ang high school students ay maaari lamang makapagtrabaho pansamantala sa panahon ng mga bakasyon.

Pinahaba din ang employment days mula sa limampu’t dalawa at magiging pitumpu’t walong araw na ang pagtatrabaho sa SPES.

60 porsyento ng sasahurin ng mga benepisyaryo ay magmumula sa kanilang employer habang 40 porsyento ay sagot ng gobiyerno.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *