tokhang
National

Oplan Tokhang Kontra Droga, paiigtingin pa ng PNP

Bilang suporta sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nagdaang SONA nito, kaugnay sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, agad na nagpalabas ng direktiba ang pamunuan ang Pambansang Pulisya para busisiin ang kasalukuyang estado ng mga operasyon nito sa iba’t ibang rehiyon at probinsiya at mas paigtingin pa ang Oplan Tokhang ng ahensiya.

Paglilinaw ng ahensiya, walang babaguhin sa nakagawiang operasyon.

Mas pagiibayuhin nito ang pagmamanman sa mga sangkot sa iligal na transaksyon ng illegal drugs sa bansa.

Isang milyon ang binabantayan

Sa datos ng PNP, nasa isang milyon mahigit pa ang binabantayan ng kanilang hanay.

Ito ay mula sa iba’t ibang lugar na sangkot sa iligal na bentahan at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Habang patuloy ang pagtugis sa mga high value target sa usapin ng illegal drug campaign ng pamahalaan.

Matapang na inihayag ni Albayalde sa sinumang bigong matapos ang problema ng iligal na droga sa kanilang mga nasasakupan, agad iri-relieve sa puwesto ang mga opisyal.

Tinitiyak ng Pambansang Pulisya na sa kabila ng pagpapalakas sa kampanya kontra droga, kasabay nito ang pangangalaga sa karapatang pantao.

Ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *