Ompong
National

Ompong, inaasahang maglaland fall sa Cagayan-Isabela bukas

BUKAS ng umaga inaasahang maglandfall sa Cagayan-Isabela area ang Bagyong Ompong.

Sa huling weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 470 km silangan ng Baler, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kph mula sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kph.

Kumikilos naman ito sa bilis na 25 kph sa direksyong pakanluran hilagang-kanluran.

Ayon sa Pagasa, walang pagbabago sa galaw ang bagyo simula sa una nilang inilabas na track nito.

Hindi naman na ayon sa Pagasa na magiging super typhoon si Ompong.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang babala ng ahensya sa mga residenteng nasa tabing-dagat.

At kabundukan na mag-ingat sa posibleng storm-surge at landslide na dala nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *