National

Ombudsman Morales, iginiit na unconstitutional ang pagkakasuspinde kay Overall Deputy Ombudsman Carandang

Sinagot at nagpalabas ng isang pahinang pahayag si Ombudsman Conchita Carpio Morales, kaugnay sa 90 araw na pagsuspinde ng Malakanyang kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang dahil sa reklamong grave misconduct at grave dishonesty.

Sinabi ni Morales na tulad ng iba pang opisyal ng gobyerno, ang Ombudsman ay sumumpa na ipagtatanggol o ipaglalaban at tiyakin na naipapatupad ng tama ang konstitusyon o Saligang Batas.

Magugunitang sa naging resolusyon ng Korte Suprema noong January 28, 2014 sa kaso ng Emilio Gonzales laban sa Office of the President ay idineklarang unconstitutional ang disciplinary action na ipinataw ng pangulo sa mga Deputy Ombudsman.

Sinabi ni Morales na sa pinakahuling insidenteng nangyari ay hindi siya papayag na malagay sa alanganin ang kapangyarihan ng Office of the Ombudsman kaya marapat lamang na ipatupad at ipaglaban ang naging desisyon at pinagtibay pa ng Korte Suprema noong taong 2014.

Dahil dito ay naniniwala si Morales na ang aksyon ng pangulo na nagsuspinde kay Carandang ay isang malaking pagkakamali o paglabag sa batas at ito anya ay kawalan ng respeto sa kapangyarihan ng Korte Suprema at sa hurisdiksyon ng
Ombudsman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *