Detroit Pistons
Sports

Oklahoma City Thunders, tinuldukan ang 5-winning streak ng Detroit Pistons

TINAPOS ng Oklahoma City Thunders ang pamamayagpag ng Detroit Pistons sa NBA matapos tuldukan ang kanilang 5-winning streak.

Di pinaporma at tinambakan ng Thunders ang Pistons sa kanilang naging harapan ngayon araw na nagtapos sa score na 110-83.

Pinangunahan naman ni Steven Adams ang Thunders na nakapagtala ng 21 points at six rebounds.

Habang umambag naman si Russel Westbrook ng 18 points, six rebounds at six assists.

Si Paul George namay ay nakapag-iskor ng 17 points.

Sunod naman na makakaharap ng Oklahoma City Thunders ang Brooklyn Nets, Miyerkules ng gabi.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *