modus
Metro

OFW, nabiktima ng pagnanakaw ng taxi driver sa NAIA

Isang panibagong kaso ng OFW ang nabiktima ng modus ng pagnanakaw ng isang  white metered taxi driver sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Airport Inspector Roderick Mejia ,OIC ng Intelligence Investigation Division ng Manila International Airport Authority (IID-MIAA), kinilala ang biktimang si Catalina Prado.

Galing ng Oman si Prado at dumating noong July 16 sa NAIA Terminal 1. 

Pagdating ay agad siyang pumila sa Taxi Lane ng arrival area para magpahatid sa Soldiers Homes sa Muntinlupa.

Sa panayam ng SMNI News sa OFW,  inilahad nito na metro ang usapan nila ng driver at ng dispatcher sa pagbayad sa taxi.

Pero nang nakaalis na sila at hindi pa nakakalayo mula sa lugar na sinakyan ng OFW ay sinabihan ito ng driver na flat rate ang kanyang babayaran na aabot sa 1,700.

Dahil sa malaking paniningil, bumaba ang OFW at naghanap ng ibang taxi.

Huli na ng malalaman ni Prado na hindi kasama ang kanyang back pack na ibinaba ng taxi driver.

Naglalaman ito ng mga alahas na aabot mahigit limampung libong piso (P50-K) at mga mahahalagang dokumento.

Mga alahas at kagamitan, isinangla

Dahil sa pagdududa na naiwan pa ito sa taxi, agad niya itong inireport sa Intelligence Investigation Division ng MIAA.

Sinundan ang ang naturang driver na pinangunahan ni Inspector Mejia at napag-alamang ito ay taga-San Isidro, Rodriguez Rizal.

Kinilala ang taxi driver na si Rodel Ormillo ng Queensmen Taxi, na may plate number ABQ 1130.

Natagpuan ang suspek at nabawi ang mga alahas.

Pero kinuha pa ang mga alahas sa pawnshop at kapitbahay na pinagsanglaan ng suspek.

Nakatakdang kasuhan ng biktima ang naturang taxi driver.

 

Cherry light

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *