National

Noynoy Aquino at iba pa, pinakakasuhan ng SolGen sa SC

PINAKAKASUHAN ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court ng pinakamabigat
na kaso ang mga sangkot sa pagkamatay ng SAF-44.

Ito ay kasabay ng ikatlong taong paggunita ng madugong bakbakan sa
Mamasapano, Maguindanao.

Hiniling din ni Calida sa Korte Suprema na maglabas ng Temporary Restraining
Order (TRO)
sa nakatakdang arraignment sa Pebrero 15 kina Dating Pangulong
Noynoy Aquino, Dating PNP Chief Alan Purisima at Dating SAF Chief Getulio Napeñas.

Hinimok ni Calida ang Korte Suprema na atasan ang ombudsman na maghain ng
higit apatnapung bilang ng kasong reckless imprudence resulting in homicide laban
sa mga nasabing sangkot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *