Norte
National

Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, pinayagan makapagpiyansa

PINAYAGAN ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling ni dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Kahilingan itong makapagpiyansa at maghain ng post-conviction remedies sa kanyang kasong graft.

Kabilang dito ang paghahain ng motion for reconsideration o notice of appeal ni Marcos sa Sandiganbayan.

Hindi kaya ay iakyat na mismo ito sa Korte Suprema.

Sa pasya ng Anti-Graft Court, mayroong labing limang araw ang dating Ginang para i-avail ang post-conviction remedies.

Sa ilalim ito ng Rules Of Court.

Pinagbabayad naman si Marcos ng P300,000 na piyansa, doble ng piyansang inilagak niya noong November 16.

Para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang apela sa kanyang kaso.

Matatandaang hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang dating Ginang sa pitong bilang ng kasong graft.

Dahil sa kanyang maanomalyang Swiss Foundation.

Noong Martes din nang maghain ang kampo ni Marcos ng Notice of Appeal sa Sandiganbayan.

Para ipaalam na iaakyat nito sa Korte Suprema ang conviction ng kanyang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *