Senator Cynthia Villar
National

Nominasyon bilang Senate President, hindi tatanggapin ni Sen. Cynthia Villar

HINDI tatanggapin ni reelectionist Senator Cynthia Villar ang posibleng nominasyon sa kanya bilang Senate President.

Iginiit ni Villar na hindi niya “calling” ang pagiging lider ng Senado.

Dagdag pa nito, babalik siya sa Senate Committee on Agriculture and Food, and Environment and Natural Resources dahil nagustuhan siya ng mga botante bunsod ng mga nagawa niya rito.

Paliwanag ni Villar, kapag nasa komite ang isang mambabatas ay matutulungan niya ang mga stakeholder na sakop ng committee.

Si Villar ang kasalukuyang nangunguna sa senatorial elections na may mahigit 24 million votes.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *