Kim Jong-Un
International

NoKor President Kim Jong-Un, binisita ang Chinese president

DUMATING na sa China si North Korean Pres. Kim Jong-Un noong Lunes para sa kanyang apat na araw na pagbisita sa bansa.

Inaasahan na pag-uusapan sa paghaharap nina Kim at Chinese President Xi Jinping ang ilang istratehiya.

Ito ay kaugnay sa pangalawang Trump-Kim Summit at denuclearization ng Korean peninsula.

Kaalyado ng North Korea ang China na siyang pangunahing pinagkukunan ng NoKor ng tulong at kalakal.

At ito na ang ikaapat na summit ni Kim at Xi simula pa noong nakaraang taon.

Ayon sa US Director of Defense Studies ay isa itong paalala kay Trump na may ibang economic at diplomatic options si Kim.

Maliban sa bansang Amerika na kasalukuyang binuhay ang usapin ng trade war sa China.

Trump, balak magdeklara ng national emergency

NAGBANTA si US President Donald Trump na magdedeklara ng national emergency.

Upang maipatayo ang iminumungkahing border wall sa Mexico kahit walang pahintulot ng mga mambabatas.

Ayon kay Vice Pres. Mike Pence ay sinusuri pa ng White House Counsel.

Ito ang kaugnay sa kakayahan ng pangulo na magdeklara ng national emergency sa nasabing sitwasyon.

Hindi rin malinaw kung itutuloy pa ito ni Trump habang balak nitong bisitahin ang border sa darating na Huwebes.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *