supplier ng bigas
National

NFA, nagsagawa ng pre-bidding para sa supplier ng bigas       

NAGSAGAWA ng pre-bidding conference ang National Food Authority (NFA) para sa mga posibleng supplier ng bigas.

Lumahok sa pre-bidding ang nasa labindalawang rice suppliers.

Mula ang mga ito sa iba’t-ibang bansa sa Asia na maaaring pagkunan ng 500, 000 metric tons na bigas.

Ito ay bilang dagdag sa buffer stocks ng pamahalaan para sa mga susunod na buwan.

Ayon kay NFA Spokesman Jerry Imperial, isasagawa ang formal bidding sa darating Nobyembre 20.

Una nang dumating sa bansa ang inisyal na dalawang batch ng 250,000 metric tons ng bigas.

Sinabi ni Imperial na hindi malaking kawalan ang pag-atras ng Vietnam at Thailand para sa mga susunod na bidding process.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *