National

New York Times muling binira si Duterte


Muling naglabas ng artikulo ang US-based publication na New York Times laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa opinion piece nitong may pamagat na “Let the world condemn Duterte,” sinabi nitong si Duterte ay isang ‘taong dapat mapigilan.’
Hinimok din ng New York Times ang International Criminal Court (ICC) na silipin ang diumano’y mga serye ng pagpatay na iniuugnay sa pangulo.
Kahit umano nagdadalawang- isip ang ICC dahil sa popularidad ni Duterte sa mga Pilipino, sinabi ng New York Times na may higit pa sa sapat na ebidensiya laban kay Duterte.
Ginawa raw nationwide ni Duterte ang killing campaign nito.
Ipinunto rin ng editorial piece ng New York Times na ang human rights groups at ilang pulitiko sa bansa ay inaakusahan ang pangulo ng mass killings.
Binira na rin ng New York Times si Duterte na tinawag naman ng palasyo na ‘demolition job’ laban sa administrasyon.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *