New Orleans Pelicans
Sports

New Orleans Pelicans, pinayuko ang koponan ng Detroit Piston

PATULOY pa din ang pamamayagpag ng team ng New Orleans Pelicans matapos makapagtala na naman ng panalo ngayong Lunes.

Pinataob ng Pelicans ang koponan ng Detroit Pistons sa victory score na 116-108.

Pinangunahan ni Jrue Holiday ang Pelicans na umambag ng 37 points.

Habang nakapagpuntos naman ng 28 points si Julius Randle.

Ang star player naman na si Anthony Davis ay nakapagbigay lang ng 6 points, 5 blocks at 9 rebounds.

Matapos ma-injure ang kaniyang bewang matapos ang 1st quarter ng game.

Nakabangga nito ang Detroit player na si Blake Griffin na nagdulot ng kaniyang hip injury.

Sa naging pagkapanalo ng New Orleans Pelicans ay mayroon na itong 14 win 14 loss standing sa NBA.

Sunod naman nilang makakaharap ang Boston Celtics ngayong Martes.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *