Habagat
National

NDRRMC, patuloy na nakatutok sa epekto ng Habagat

Pumalo na sa mahigit 817.3 milyong piso ang halaga ng pinsala, sa imprastraktura at agrikultura, ng Habagat na pinaigting ng nagdaang Bagyong Henry, Inday, at Josie sa Region 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 6 at CAR.

Ayon sa pinakahuling tala ng NDRRMC, nasa 455.8 milyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura habang mahigit 361.5 milyong piso naman sa sektor ng agrikultura.

Nasa mahigit 1.1 milyong katao o mahigit 267 libong pamilya naman ang naapektuhan ng Habagat.

Sa naturang bilang, nasa mahigit labindalawang libong pamilya rito ang pansamantalang sumisilong sa 297 evacuation center.

8 indibidwal naman ang nasawi, 1 sugatan, at 1 missing ang naireport sa Region 6, 7, CALABARZON, CAR at NCR.

Pagbibigay ayuda sa mga nasalanta ng kalamidad, tututukan ni Speaker Arroyo

Tutukan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagbigigay ng ayuda sa mga probinsyang nasalanta ng mga kalamidad.

Sa kanyang unang araw bilang House Speaker, sinabi ni Arroyo na nasa siyam na probinsya ang kanilang bibigyan ng ayuda.

Ito ay base sa ipinaabot ng kanyang mga kasamahang mambabatas.

Ayon kay Arroyo, tutukan niya ang pangangailangan ng kanyang mga constituents para maipamahagi ang tulong at pondo ng gobyerno.

Umaasa si Arroyo na sa kanyang pag-upo bilang lider ng Mababang Kapulungan ay mawawala na ang pamumulitika sa bawat mambabatas sa Kamara.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *